3 surveillance planes ibibigay na ng Japan sa Philippine Navy
Nakatakdang tumanggap ng tatlong TC90 patrol and surveillance planes ang Philippine Navy mula sa Japan sa March 24, Lunes.
Magaganap ang turnover ceremonies sa Naval Air Group headquartes sa Heracleo Alano Naval Base, Sangley Point sa lungsod ng Cavite.
Ang surveillance planes ay itu-turnover ng tatlong opisyal ng Japanese Ministry of Defense at Japanese Maritime Self Defense Force (JMSDF) mismo kina ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at Japanese Ambassador Koji Haneda.
Inaasahang palalakasin ng Japanese aircrafts na ito ang maritime and territorial monitoring ng Philippine Navy.
Ito na ang ikalawang batch ng pagpapadala ng TC90 aircrafts kung saan dalawang unit na ang sa kabuuang lima ang naibigay sa PH Navy noong nakaraang taon bilang bahagi ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Orihinal na inialok ng Japan ang mga naturang aircrafts upang rentahan ng Pilipinas sa murang halaga sa gitna ng tension sa West Philippine Sea ngunit napagdesisyunan kalaunan na ibigay na lamang ito nang libre.
Isa sa mga TC90 planes na natanggap ng Pilipinas ay ginagamit na para sa maritime and domain awareness operations ng Navy kanilang ang monitoring sa mga aktibidad sa PH Rise.
Nagamit na rin ito at pinalipad sa kontrobersyal na Panatag Shoal kung saan na-monitor ang presensya ng mga Chinese Vessels sa naturang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.