Huwag gamitin ang mga maliliit na LPG tanks sa loob ng bahay-DOE
Hindi dapat gamitin ng mga consumer na gamitin sa loob ng bahay ang mga maliliit na 2.7 kilogram na LPG cylinders upang maiwasan ang sunog na kinasasangkutan ng mga naturang tangke.
Ayon sa bagong circular order mula sa Department of Energy, inaatasan ang mga manufacturers at retailers na lagyan ng marking na “For Outdoor Use Only” ang bawat unit ng Shine Gaz, Petron Gasulette, Superkalan, at Powerkalan (Pryce Gases).
Magsisilbi ring babala sa mga consumer ang marka na hindi dapat gamitin sa loob ng bahay ang produkto.
Ayon sa Dept. of Energy, walang Pressure Relief Valve o PRV at regulator ang 2.7 kilograms na LPG cylinder at mas malaki ang tsansang magkaroon ito ng leakage kumpara sa regular na LPG tank na ginagamit sa bahay.
Paliwanag ng DOE, kapag nasa loob ng mga saradong lugar ang LPG, maaring mamuo ang LPG vapor na posible namang magresulta ng pagsabog o sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.