Paggamit sa perang inirefund ng Sanofi para sa mga nabakunahan ng Dengvaxia isinusulong sa kamara

By Erwin Aguilon March 22, 2018 - 11:40 AM

Isinusulong ngayon sa kamara na gamiting supplemantal budget para sa mga nabakunahan ng dengvaxia ang mahigit P1B ini-refund ng Sanofi Pasteur.

Base sa resolusyong inihain ni House Appropriations Committee Chair Karlo Alexei Nograles, gagamiting pantustos ang P1.16B ibinalik ng Sanofi sa pamahalaan para sa pangangailangan ng mga naturukan ng Dengvaxia.

Kabilang dito ang medical assistance, hospitalization, pagbibigay ng medical kits, out-patient care services at laboratory tests.

Iginiit nito na kung mayroong supplemental budget ay mas mabilis na medical help sa mga dengvaxia vaccinees ang maibibigay ng gobyerno.

Ang nasabing pera ay ini-refund ng Sanofi sa pamahalaan para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccine.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti dengue vaccine, Dengvaxia, Radyo Inquirer, Sanofi, anti dengue vaccine, Dengvaxia, Radyo Inquirer, Sanofi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.