Nakararaming Pinoy sang-ayon sa Divorce Law ayon sa isinagawang survey ng simbahan
Sa survey na isinagawa mismo ng Simbahang Katoliko, lumitaw na nakararaming Filipino ang sang-ayon na maipasa na sa bansa ang Divorce Law.
Batay sa resulta ng Veritas Truth Survey na ginawa ng Catholic Church-run radio na Radyo Veritas, lumitaw na 39 percent ng mga respondents ang nagsabing sila ay “strongly agree” sa isinusulong na pagsasalegal ng divorce sa bansa.
35 percent naman ang sumagot na sila ay “strongly disagree”.
13 percent naman ang nagsabi na sila ay “somewhat agree” at 13 percent din ang “somewhat disagree”.
Ginawa ang survey sa 1,200 na respondents sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang survey ay isinagawa ng Research Department ng Veritas mula December 2017 hanggang January 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.