NAIA, kasama sa top 10 ng “Most Improved Airports in the World”
Napasama ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa top 10 ng mga Most Improved Airport in the World.
Base sa Skytrax World Airport Award 2018, pang-10 ang NAIA sa mga paliparan sa buong mundo na may malaking improvement.
Kabilang sa nasa top 10 ang mga paliparan sa sumusunod na lugar:
– Rome Fiumicino
– Perth
– Calgary
– Taiwan Taoyuan
– Athens
– Nadi
– Montréal
– Moscow Sheremetyevo
– Houston Intercontinental
– Manila
Ang pagkilala sa mga “Most Improved Airports” sa buong mundo ay base sa naking kalidad at development sa performance ng mga paliparan.
Ikinatuwa naman ng Department of Transportation (DOTr) ang pagkakasama ng NAIA sa top 10.
Binati rin ng ahensya si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal at ang buong NAIA team para sa nasabing pagkilala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.