Lalawigan ng Cavite, walang pasok ngayong araw

By Rhommel Balasbas March 22, 2018 - 06:42 AM

Walang pasok ngayong araw ang buong probinsya ng Cavite.

Idineklara sa pamamagitan ng Proclamation No. 446 ng tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas ang March 22, 2018 bilang Special Non-Working Day.

Ito ay bilang paggunita sa ika-149 na kaarawan ni General Emilio Aguinaldo, unang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Pangungunahan ni Sen. Sonny Angara bilang guest of honor ang ‘flag-raising and wreath laying ceremonies’ sa Aguinaldo Shrine sa Kawit.

Samantala, pasisinayaan din ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang logo na ‘Emilio Aguinaldo @150 bilang komemorasyon sa ika-150 na kaarawan ng yumaong pangulo sa susunod na taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cavite, emilio aguinaldo, Holiday, Kawit Cavite, cavite, emilio aguinaldo, Holiday, Kawit Cavite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.