Dating tauhan ni Ex-Senator Jinggoy Estrada kinasuhan sa Sandiganbayan
Ipinagharap ng kaso sa Sandiganbayan ang dating deputy chief of staff ni ex- Senator Jinggoy Estrada may kaugnay sa maling deklarasyon sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth.
Apat na bilang ng perjury at apat na bilang ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standard for Public Official and Employee ang isinampa kay Pauline Labayen.
Base sa information na inihain ng ombudsman Hindi makatotohanan ang inihaing SALN mula 2008 hanggang 2010 ni Labayen dahil mayroon itong hindi idineklara.
Sinasabing hindi isinama ni Labayen ang kanyang real estate property sa The Manila Residences Executive Tower sa Malate, Manila at Makati Executive Tower IV.
Si Labayen ay kapwa akusado ni Estrada sa mga kaso kaugnay ng pork barrel fund scam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.