VP Robredo binigyan ng portrait ng isang PNPA cadet

By Justinne Punsalang March 22, 2018 - 01:33 AM

 

Binigyan si Vice President Leni Robredo ng isang painting na nilikha ng isang ‘self-taught’ painter mula sa hanay ng mga kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Bago nagsimula ang graduation ceremony ng PNPA Maragtas Class of 2018 na ginanap sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite ay ibinigay ng PNPA Council of Artists sa Bise Presidente ang portrait na ginawa ni Cadet Fourth Class Don Carlo Labastida mula sa Davao City.

Sa Twitter post ng ikalawang pangulo ay tinawag nitong ‘masterpiece’ ang painting na ginawa ni Labastida.

Nakadaupang-palad rin ni Robredo ang Top 20 na mga kadete ng PNPA Maragtas Class of 2018 habang hinihintay ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa 39th Commencement Exercise ng PNPA ay iginawad ni Robredo ang Vice Presidential Kampilan Award at plaque of merit sa class salutatorian na si Francis Pang-ay Fagkang.

Ito na ang ikatlong beses na nagksama ang pangulo at pangalawang pangulo sa loob ng isang linggo, dahil kapwa silang dumalo sa graduation ceremony ng PMA at sa ika-121 anibersaryo ng Philippine Army.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.