Pagbuo ng National Transportation Safety Board muling inihirit ni Sen. Poe
Sa pagkamatay ng 19 pasahero sa pagkahulog sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro, muling inihayag ni Sen. Grace Poe ang pangangailangan sa isang National Transportation Safety Board.
Aniya, napakahalaga nito para matutukan ng husto ang kaligtasan ng lahat ng uri ng pampublikong transportasyon.
Binanggit pa ni Poe na dito sa Pilipinas pang-apat ang aksidente sa kalsada sa sanhi ng kamatayan ng mga Filipino.
Sinabi nito na noong taon 2014, higit sa 40,000 sa ating mga kababayan ang namatay sa mga aksidente sa kalye.
Kaugnay pa nito, ngayon papasok na ang Semana Santa at marami sa ating mga kababayan ang bibiyahe, dapat ay talagang binubusisi ng LTFRB at LTO ang mga pampasaherong sasakyan para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Narito ang ulat ni Jan Escosio:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.