Mga nawalan ng trabaho sa Kuwait welcome sa Japan ayon sa DOLE
Sisimulan na ng Department of Labor and Employment ang pagpapadala ng mga domestic workers sa bansa Japan sa buwan ng Mayo.
Sa pagdinig ng House Committee on Overseas Workers Affairs ay sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na 1,000 OFWs mula sa Kuwait ang kaagad na magkakaroon ng trabaho.
Sinabi ni Bello na nais ng mga employer na Hapon ang mga Pinay domestic helpers dahil sa husay ng mga itong magluto, malinis sa bahay at iba pang mga gawain.
Samantala, nagbigay ng tatlong buwang taning ni Bello upang malinis niya ang Philippine Overseas Employment Administration sa mga tiwaling kawani.
Puspusan anya ang kanyang ginagawang upang maging maayos ang recruitment sa mga OFW.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.