Pang. Duterte tinawag na ‘stupid’ ang Canada

By Justinne Punsalang March 21, 2018 - 03:38 AM

Pinatutsadahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Canada dahil sa naging desisyon nitong magsagawa ng review tungkol sa naunang kasunduan na ibenta sa Pilipinas ang kanilang 16 na mga helicopter.

Matatandaang sinabi ng Canada na ibebenta lamang nila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga Bell 412 chopper kung titiyakin ng pamahalaan na hindi ito gagamitin laban sa mga rebelde at mga terorista.

Sa talumpating ibinigay ng pangulo sa 2018 General Assembly of the League of Municipalities of the Philippines na ginanap sa Manila Hotel, tinawag nitong istupido ang mga Canadians.

Ayon kay Duterte, tila itinuturing na basura ng Canada ang Pilipinas.

Aniya pa, hindi naman naiintindihan ng Canada ang problema sa terorismo ng Pilipinas. Ani Duterte, mayroong mga Pilipino na sumasanib na sa ISIS kaya naman walang ibang magagawa ang pamahalaan kundi supilin ang mga ito.

Samantala, nauna namang sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na gagamitin ang mga bibilhin sanang helicopter mula sa Canada bilang pang-transport ng mga personnel at supply, maging ng mga sugatang sundalo, at para sa mga operasyon kagaya ng humanitarian assistance at disaster response.

Sa ngayon ay patuloy na naghahanap ang Pilipinas ng bagong supplier ng helicopter, katulad ng mga bansang South Korea, Russia, China, at Turkey.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.