Lumipad papuntang Beijing, China si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Petery Cayetano upang makipag-usap sa pamahalaan ng China tungkol sa mga posibleng joint initiatives, maging ang tungkol sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Mananatili si Cayetano sa China simula ngayong araw, March 21 hanggang sa Biyernes, March 23.
Ayon sa kalihim, mismong si Chinese Foreign Minister Wang Yi ang nag-imbita sa kanya.
Sa isang pulong balitaan bago umalis si Cayetano papuntang China ay sinabi nito na pangunahing rason ng kanyang pakikipagkita kay Yi ang pagpapatibay ng international relations ng dalawang mga bansa.
Aniya, pag-uusapan nila ang pagtutulungan ng China at Pilipinas, bukod pa sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea, partikular sa kung paano maisasaayos ang gusot.
Dagdag pa ng kalihim, pag-uusapan rin nila ni Yi ang tungkol sa posibilidad na magkaroon ng joint exploration sa South China Sea.
Binigyang diin ni Cayetano na anumang proyektong gagawin ng dalawang bansa ay mananatili itong pasok sa batas ng Pilipinas, maging ng mga international laws.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.