DA, target palaguin ang pagtatanim ng palay sa Bohol

By Cyrille Cupino March 21, 2018 - 02:50 AM

Target ng Department of Agriculture na palaguin ang industriya ng pagtatanim ng palay sa lalawigan ng Bohol.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kahit malawak ang mga lupang sakahan sa lalawigan, mababa naman ang produksyon ng palay dito dahil makaluma pa ang ginagamit na paraan ng pagtatanim.

Ayon kay Piñol, nagkaroon ng kasunduan ang kanyang ahensya at ang lokal na pamahalaan ng Bohol na i-alok sa mga magsasaka ang Production Loan Easy Access Program sa ilalim ng Agriculture Credit Policy Council kung saan maaari silang makahiram ng puhunan.

Palalawakin rin umano ng DA ang pagtatanim ng hybrid rice seeds at target na kahit kalahati ng mga lupang taniman ay magkaroon nito.

Una na ring sinimulan ang pagtatanim ng binhi ng hybrid rice sa Bohol at nakitang may potensyal itong makapag-produce ng higit sa 11 metric tons kada hektarya, mula sa kasalukuyang 2.6 metric tons na ani lamang bawat ektarya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.