Malacañang kinastigo ng Liberal Party sa pakikipag-usap kay Napoles

By Jan Escosio March 20, 2018 - 07:36 PM

Inquirer file photo

Binatikos ng Liberal Party (LP) ang Malacañang sa panghihimasok sa kasong pandarambong ni Janet Lim-Napoles na itinuturong utak ng pork barrel fund scam.

Sa inilabas na pahayag ng oppposition party, tila binibigyan proteksyon pa ng gobyerno si Napoles habang marahas ang pagtrato sa mga mahihirap na nasasangkot sa krimen.

Ipinunto ng LP ang pag-amin ng abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David na mismong sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang nagpayo sa kanila para sa gagawing hakbang sa sitwasyon ng kaniyang kliyente.

Iginiit ng partido sa administrasyon hayaan na lang na umusad sa korte ang kaso.

Giit pa ng partido na tila pambabastos ito sa sistema ng hustisya sa bansa.

Samantala, labis din na ipinagtaka ni Sen. Grace Poe ang pagkakapasok ni Napoles sa Witness Protection Program.

Kinuwestiyon niya kung tinatamad na naman ang mga state prosecutors na maghanap ng ebidensiya kaya’t umaasa sa testimoniya ng mismong kriminal.

TAGS: liberal party, napoles, pork barrel scam, WPP, liberal party, napoles, pork barrel scam, WPP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.