PNP paiigtingin ang pagbibigay segurirad sa Oplan Sumvac 2018
Sisimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpaptupad ng kanilang Oplan Sumvac o Oplan Summer Vacation 2018.
Ito ay bahagi na rin paghahanda para sa nalalapit na Holy Week na inaasahang pagdagsa ng mga motorista na uuwi sa probinsya.
Ang Sumvac ay sisimulan sa March 23 at tatagal hanggang June 13.
Ayon kay Police Chief Supt. John Bulalacao tutukan ng kanilang hanay ang mga pambublikong lugar partikular na yung tinatawag na “areas of convergence”.
Babantayan din nila ang mga top tourist destinations sa bansa.
Bukod sa mga ipakakalat na local police malaki rin ang papel ng PNP Maritime group at HPG sa Oplan Sumvac.
Hiwalay pa ito sa mga sariling security preparations ng Regional Police Offices.
Dagdag pa ni Bulalacao, nananatili umanong nakataas ang sa full alert ang status ng PNP para sa anumang posibleng banta ng masasamang loob.
Kaugnay nito ay nagpaalala rin sila sa publiko na maging alerto.
Payo nila sa mga magbabyahe at may dalang sasakyan, tiyaking maayos at walang problema ang sasakyan, at tandaan ang salitang:
B – Battery
L – Light
O – Oil
W – Water
B – Brakes
A – Air
G – Gas
Dapat din umanong Siguraduhin na kumpleto ang lahat na dokumento na kailangan sa pagmamaneho ng sasakyan, halimbawa: driver’s license, vehicle registration, early warning device at iba pa.
Kung gagamit naman ng pambulikong sasakyan sundin ang mga sumusunod:
-Iwasang magsuot ng mga mamahaling alahas o magdala ng malaking halaga ng salapi.
-Kung may napansin na kakaiba tulad ng bagahe o kahon na maaaring pinaglagyan ng bomba kadudadudang pagkilos ng tao sa istasyon, pier, paliparan o sa loob mismo ng bus, tren, barko o eroplano ay palihim na ipaalam agad sa kinauukulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.