Dismissal order sa kasong ilegal na droga laban kay Kerwin Espinosa at iba pang drug lord binawi na ng DOJ

By Chona Yu March 20, 2018 - 12:42 PM

Binawi na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang naunang desisyon ng National Prosecuton Service na nagdidimiss sa kasong drug trafficking laban kay Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pang hinihinalang drug lord.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang sinabi ni Aguirre na nagpalabas na siya ng kautusan kahapon na wide open na ngayon ang imbestigasyon sa panig ng akusado at ng mga pulis.

Ibig sabihin maari na aniyang magpasa ng mga ebidensya ang magkabilang partido.

Maituturing na rin aniyang moot o wala nang saysay ang inihaing motion for reconsideration ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon kay Aguirre, nananatili ngayon sa kulungan si Espinosa at ang iba pang akusadong drug lord.

 

 

 

 

 

 

TAGS: aguirre, department of justice, kerwin espinosa, peter co, Peter Lim, aguirre, department of justice, kerwin espinosa, peter co, Peter Lim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.