Bigtime NFA traders nais maka face to face ni Pangulong Duterte
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Food Authority (NFA) Administrator Jayson Aquino na dalhin sa Palasyo ng Malakanyang ang malalaking NFA rice trader sa bansa.
“You invite them. Sabihin mo mag-kape lang kami,” ito ang utos ni Duterte kay NFA Administrator Jason Aquino.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ginawa ng pangulo ang utos matapos dumalo sa NFA council meeting kahapon.
Ayon kay Piñol nais ng pangulo na malaman ang kasalukuyang estado at totoong sitwasyon sa suplay ng bigas.
Sa face to face meeting ay inaasahan ding harapang sasabihin ng Pangulong Duterte sa mga rice traders na hindi uubra sa kanyang Administrasyon ang kalakarang pagmamanipula sa presyo at pang-iipit sa stock ng bigas.
Tiyak aniyang igigiit ng pangulo na hindi dapat magsakripisyo ang mga Filipino consumers sa mataas na presyo ng bigas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.