Chairman Ginez ng LTFRB inireklamo sa Ombudsman

By Jay Dones, Jen Pastrana October 06, 2015 - 06:30 AM

ginezNagsumite ng reklamo sa Ombudsman ang Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO laban kina Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Winston Ginez at board member Ronaldo Corpus.

Ang graft complaint na isinampa ni Efren de Luna, presidente ng ACTO ay bunsod ng umano’y mga iregularidad sa operasyon ng Transport Network Vehicles o TNV na GrabTaxi at Uber.

Ayon kay De Luna, nilabag umano ng dalawang opisyal ng LTFRB ang ‘Public Service Act’ dahil sa hindi pagkakaroon ng ‘fixed fare rates’ ng mga nabanggit na online based transport.

Dagdag pa ni De Luna, nagkaroon din ng pag-abuso ang LTFRB dahil sa agarang pagpayag ng mga ito sa mga TNV na makapag-operate nang walang sapat na konsultasyon sa kanilang sektor kung saan sila ang pangunahing apektado.

Binanggit pa ni De Luna sa kanyang complaint ang insidente noong September 8, nang mag-stranded ang libu-ibong mga commuter sa baha at traffic.

Sa naturang pagkakataon, tumanggi ang mga TNV na tumanggap ng mga pasahero hangga’t hindi pumapayag ang mga ito sa dagdag singil sa pasahe at tip sa kanilang mga driver.

TAGS: WinstonGinez, WinstonGinez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.