Rekomendasyon na 1-year closure sa Boracay, pag-aaralan pa ni Pangulong Duterte

By Chona Yu March 20, 2018 - 08:12 AM

Pag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of Tourism (DOT) na ipasara ang Boracay ng isang taon para bigyang-daan ang pagsasaayos sa mga establisyemento na walang maayos na sewerage system.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring sundin o maaring balewalain ng pangulo ang rekomendasyon ng DILG, DENR at DOT.

Sa ngayon aniya, hindi pa nakararating sa pangulo ang rekomendasyon.

Pero pagtitiyak ni Roque, walang balak ang pangulo na permanenting ipasara ang isla.

Sinabi pa ni Roque na isinasaalang alang din ng pangulo ang kapakanan ng mga maliliit na negosyante at manggagawa na maaapektuhan ng pagsasara ng Boracay.

Una rito, sinabi ng pangulo na ipasasara niya ang Boracay kung hindi lilinisin ang kapaligiran dahil sa naging cesspool na ang isla bunsod ng hindi maayos na sewerage system.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: boracay, Harry Roque, Palace, Rodrigo Duterte, boracay, Harry Roque, Palace, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.