Walang naging problema sa implementasyon ng ‘Beep card sa MRT-3-DOTC
Walang naging malaking problema sa implementasyon ng beep card sa Metro Rail Transit (MRT 3), ayon sa Department of Transportation anc Communication (DOTC).
Ayon sa tagapagsalita ng DOTC na si Michael Sagcal, wala namang naitalang malaking problema sa kanila, pero masinsin pa rin nilang binabantayan ang progreso ng private concessionaire bago nila tuluyang tanggapin ang bagong sistema.
Samantala, maraming biyahero naman din ang nag-reklamo sa tila mas mahabang pila na naranasan nila kahapon sa kabila ng implementasyon ng beep card na inaasahang magpapabilis at magpapadali sa kanilang pagpasok sa istasyon ng MRT-3.
Ayon sa ibang pasahero, wala naman silang nakitang pagbabago o improvement man lang na naidulot ang bagong sistema.
Pero umaasa pa rin ang iba sa kanila na sa umpisa lang ito at magbabago pa sa mga susunod na araw.
Ang beep card ay mabibili na at magagamit sa lahat ng mga istasyon ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.