Mindanao apektado ng extension ng LPA; habang easterlies pa rin ang umiiral sa nalalabing bahagi ng bansa

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 20, 2018 - 06:35 AM

Apektado ng extension ng Low Pressure Area ang Mindanao habang easterlies pa rin ang nakaaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA ang mga rehiyon ng Caraga, Davao, SOCCSKSARGEN at Zamboanga Peninsula ay makararanas ngayong araw ng kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa extension ng LPA na nasal abas pa ng bansa.

Maari itong magdulot ng pagbaha at landslides dahil sa mararanasan na katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.

Samantala, sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawiril ang mararanasan na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

 

 

 

 

 

 

TAGS: easterlies, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, easterlies, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.