Magnitude 4.1 na lindol, yumanig sa Bohol

By Jay Dones, Rod Lagusad March 20, 2018 - 02:04 AM

 

Nakaranas ng magnitude 4.1 na lindol ang ilang bahagi ng lalawigan ng Bohol, dakong alas 10:46 ng gabi, ng Lunes.

Ayon sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang episentro ng pagyanig sa layong 9 na kilometro sa southeast ng bayan ng Anda, Bohol.

May lalim itong labindalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan ayon sa ahensya.

Naitala ang Intensity III na paggalaw ng lupa sa Tagbilaran City.

Wala namang iniulat na pinsala ang pagyanig sa mga struktura sa apektadong lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.