Dalawang ulit na nasira ang tren ng MRT-3 kagabi na nagresulta sa pagpapababa sa mahigit isanlibong pasahero ng naturang mass transit system.
Unang nagkaaberya ang isang tren dakong alas 6:45 ng gabi, sa Shaw Boulevard station nang makaranas ito ng electrical failure.
Dahil dito, pinababa ang nasa 740 pasahero at pinalipat sa kasunod na tren.
Dakong alas-8:03 naman o mahigit isang oras lamang ang nakalipas, nagkaproblemang muli ang isa na namang tren sa bahagi ng southbound ng Magallanes station.
Ayon sa abiso ng MRT, ang pintuan naman ng isa sa mga bagon ang nakaranas ng problema.
Dahil sa aberya sa pintuan, pinababa naman ang nasa 400 pasahero ng MRT sa Magallanes station at pinalipat rin sa kasunod na tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.