Personal na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Prince Abdulaziz bin Saud Naif ng Saudi Arabia na tiyakin ang kapakanan ng mga pilipinong manggagawa sa kanilang bansa.
Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, ginawa ng pangulo ang apela matapos mag-courtesy call ang prinsipe kahapon sa Palasyo ng Malakanyang.
Matatandaang makailang beses nang sinabi ng pangulo na nakararanas ng pang-aabuso ang mga Filipino workers lalo na ang mga babae sa mga Middle East country.
Bukod sa pangangalaga at kaligtasan ng mga Filipino workers, natalakay din ng dalawa ang pagpapalawig sa kooperasyon ng Pilipinas at Saudi Arabia sa larangan ng security, trade at investment.
Kasabay nito, pinasalamatan din ng pangulo ang prinsipe dahil sa ginagawang pagtulong ng Saudi Arabia para labanan ang terorismo at violent extremism.
Nagpaabot naman ng pagbati ang prinsipe sa pangulo dahil sa matapang at mapangahas na pag-aksyon nito sa giyera sa Marawi City matapos lusubin ng mga extremist at mga terorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.