Robredo: Pagkalas sa ICC hindi idinadaan sa init ng ulo

By Rohanisa Abbas March 19, 2018 - 04:09 PM

RTVM

Pinayuhan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag idaan sa init ng ulo ang pagkalas sa International Criminal Court (ICC).

Matatandaang idineklara ng pangulo ang pagkalas sa ICC dahil sa mga umano’y pag-atake nito sa kanya at sa giyera ng administrasyon kontra iligal na droga.

Samantala, sinabi naman ni Robredo na hindi sumama ang kanyang loob sa hindi pag-imbita sa kanya ni Duterte sa tanghalian kasama ang Philippine Military Academy (PMA) Cadets.

Sa talumpati ng pangulo sa graduation rites sa PMA, ipinahayag niya na magkaibigan sila ng pangalawang pangulo.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagkasama ang dalawang mataas na opisyal ngayong taon.

TAGS: duterte, ICC, PMA, Robredo, duterte, ICC, PMA, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.