Sereno naghahanda na ng pangontra sa inilatag na articles of impeachment ng Kamara
Matagal nang inaasahan ng kampo ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno ang pag-apruba ng House Justice Committee sa committee report kaakibat ang articles of impeachment laban sa Punong Mahistrado.
Ayon kay tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Josa Deinla, hindi na nila ikinagulat ang pasya ng komite at matagal na rin nila itong hinihintay.
Sinabi ni Deinla na sa ngayon ay patuloy ang kanilang ginagawang paghahanda para sa gagawing depensa kapag naiakyat na sa Senate impeahment court ang kaso.
Inilalatag anya ng kanilang kampo ang mga legal strategy upang kontrahin ang mga alegasyon na nakasaad sa inaprubahang articles of impeachment.
Iginiit din nito na walang impeachable offense na nagawa si Sereno taliwas sa nilalaman ng inaprubahang articles of impeachment.
Patuloy naman ang paninindigan ng kampo ni Sereno na bias ang naging proseso ng pagdinig ng House Justice Committee dahil hindi nabigyan ng pagkakataon si Sereno na magbigay ng panig nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.