Pastor, binaril sa Surigao del Norte
Binaril ng dalawang kalalakihan ang isang Protestanteng pastor habang nagsasagawa ito ng sermon sa simbahan nito sa San Francisco, Surigao del Norte.
Ayon kay PO3 Era Campillos, biglang binaril si Pastor Allan Ursabia sa harap ng halos isangdaang katao bandang 9:30 ng umaga sa Lord Jesus Christ Fellowship Church.
Ani Campillos, may isang babaeng lookout ang namataan sa labas ng simbahan nang maganap ang insidente.
Isa naman sa mga tinitingnang posibleng motibo sa krimen ng mga imbestigador ay personal na galit, dahil ayon sa asawa ng biktima, maaaring may kinalaman ito sa pagtulong ng biktima sa kaanak nitong nakakulong.
Batay sa paunang imbestigasyon, lumalabas na mga hired killers ang mga suspek, kaya isinantabi na nila ang posibilidad na gawa ito ng mga rebeldeng New People’s Army.
Nadala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival.
Wala pa namang natutukoy na suspek ang mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.