LTFRB may babala sa mga lumahok sa tigil-pasada

By Rohanisa Abbas March 19, 2018 - 12:37 PM

Kuha ni Ricky Brozas

Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang jeepney drivers na lumahok sa tigil-pasada.

Sinabi ni LTFRB Board Member Aileen Lizada na kakanselahin ng ahensya ang mga lisensya ng mga drayber at mga prangkisa ng operators na nakiisa sa tigil-pasada.

Ayon kay Lizada, may nasampolan na silang kinansela ang prangkisa.

Ipinaalala rin ng opisyal ang kaso ng LTFRB laban kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) president George San Mateo.

Ayon kay Lizada, tapos na ang arraignment sa reklamong paglabag sa Section 20(k) The Public Service Act. Si San Mateo ay malaya ngayon matapos magpyansa.

Nilinaw naman ni Lizada na walang magaganap na phase-out sa mga jeep. Aniya, isinasaayos lang ng gobyerno ang klase ng keep na gagamitin para sa ligtas at maginhawang byahe.

Isinagawa ng PISTON ang tigil-pasada kontra jeepnet modernization program.

 

 

 

 

 

TAGS: ltfrb, PISTON, tigl pasada, ltfrb, PISTON, tigl pasada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.