Early dismissal sa mga korte iniutos dahil sa tigil-pasada ng PISTON
Pinayagan nang umuwi ang mga empleyado ng korte alas 2:00 ng hapon mamaya dahil sa isinasagawang tigil-pasada ng PISTON.
Sa utos ni Acting Chief Justice Antonio Carpio, pinayagan nito ang early dismissal sa lahat ng korte sa buong bansa.
Sakop ng kautusan ang mga empleyado ng Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at mga trial courts.
Ito ay upang makaiwas ang kanilang mga empleyado sa abala na dulot ng tigil-pasada.
Inatasan naman ang SC, CA, CTA at Sandiganbayan na magpanatili ng skeleton force.
Ang mga executive judge ay inatasan din na maglakay ng skeleton force para tumanggap ng mga dokumentong kinakailangang ihain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.