Kwentong napasuntok sa pader si Pangulong Duterte nang mabasura ang kaso vs Espinosa, hindi totoo

By Chona Yu March 19, 2018 - 11:40 AM

Kinontra ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang pahayag ni Philippine National Police chief irector general Ronald Dela Rosa na sinuntok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pader sa Malakanyang matapos mabalitaan na ibinasura ng National Prosecution Service ang kasong ilegal na droga laban kina Kerwin Espinosa, Peter Co Peter Lima t iba pa.

Ayon kay Go, walang insidente ng panununtok sa Malakanyang nang maganap ang joint AFP-PNP command conference noong Lunes.

Pero ayon kay Go nagalit ang pangulo sa kinahinatnan ng kaso laban sa mga akusado.

Iginiit pa ni Go na bago pa man nakarating sa pangulo ang pagkakabasura ng kaso ay namamaga na ang mga kamay ng pangulo taliwas sa pahayag ni Dela Rosa na namaga ang kamay ng pangulo nang suntukin ang pader

Maari aniyang namaga ang kamay ng pangulo dahil sa kapipirma ng mga dokumento.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bong go, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, bong go, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.