Kampo ni Napoles hinanapan ng ebidensya ng Sandiganbayan sa iginigiit nitong banta sa kaniyang seguridad

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 19, 2018 - 11:26 AM

Inquirer File Photo

Kailangang mapatunayan ng tinaguriang pork barrel scam queen Jan Lim Napoles na siya ay may banta sa buhay bago magpasya ang korte sa hirit niyang mailipat sa Witness Protection Program ng Department of Justice.

Sa isinagawang pagdinig sa kaniyang mosyon na humihiling na mailipat na sya sa kostodiya ng DOJ, sinabi ni Sandiganbayan Fifth Division chairperson Associate Justice Rafael Lagos walang inilahad na ebidensya si Napoles sa kaniyang mosyon na magpapatunay na may banta sa kaniyang buhay.

Ayon naman sa abogado ni Napoles na si Atty. Carlo Acasili “confidential” ang mga impormasyon ito at maaring ang DOJ ang mas tamang maglahad nito sa korte.

Pero nanindigan si Lagos na walang pruweba ang kampo ni Napoles para suportahan ang iginigiit nilang banta o harassment sa akusado.

Ayon naman sa isa pang abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David kamakailan ay niransak ang selda ni Napoles sa Camp Bagong Diwa at kinuha ang kaniyang laptop at mga mahahalagang dokumento.

Lalo naman itong ikinainis ng mga mahistrado at sinabing bakit mayroong laptop sa Selda si Napoles gayong ang mga kapwa nito akusado na sina dating Sen. Bong Revilla aJr., at Richard Cambe ay humihingi pa ng approval ng krote para makagamit ng kanilang laptop.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: janet lim-napoles, plunder, pork barrel, Radyo Inquirer, janet lim-napoles, plunder, pork barrel, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.