Number coding suspendido ngayong araw – MMDA

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 19, 2018 - 08:13 AM

Radyo Inquirer File Photo

Suspendido na ang pag-iral ng number coding ngayong araw sa Metro Manila dahil sa transport strike ng grupong PISTON.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sakop ng suspensyon ang Parañaque City at Makati City habang wala namang abiso ang Las Piñas City.

Samantala, sinabi ng NCRPO na nagpakalat sila ng 2,000 mga pulis sa Metro Manila para panatilihing payapa ang transport strike.

Tiniyak din ni NCRPO Chief Oscar Albayalde na hindi nila babawalan ang pagkilos ng mga tsuper at operators basta’d kailangan lamang nilang gawing payapa ang protesta.

 

 

 

 

 

TAGS: PISTON, Radyo Inquirer, tigil pasada, transport strike, PISTON, Radyo Inquirer, tigil pasada, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.