Bangkay ng mangingisda natagpuan sa Bohol

By Justinne Punsalang March 19, 2018 - 12:32 AM

 

Natagpuang palutang-lutang sa Lonod Reef na sakop ng Barangay Cogtong sa bayan ng Candijay, Bohol ang katawan ng isang lalaki.

Kinilala ang lalaki na si Alfredo Balbuena, 40 taong gulang at isang mangingisda na una nang niulat na nawawala noong nakaraang linggo.

Ayon kay Candijay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Jeryl Lacang-Fuents, isa ring mangingisda ang nakakita sa bangkay ni Balbuena, Linggo ng umaga.

Agad nitong ipinagbigay alam ng mangingisdang si Chistopher Penaso sa mga otoridad at sa pagtutulong ng Philippine National Police (PNP) – Candijay, Philippine Coast Guard (PCG), MDRRMO, at Bantay Dagat ay narekober ang katawan ni Balbuena.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, March 14 nang maglayag si Balbuena bagaman mayroon itong lagnat. Sinabihan na umano siya ng kanyang pamilya na huwag nang mamalaot, ngunit hindi ito nagpapigil.

Simula noon ay hindi na nakabalik pa si Balbuena sa kanyang pamilya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.