Hindi na kailangan ng pangulo na i-review ang drug case ni Peter Co-Aguirre
Pinagbawalan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Pangulong Rodrigo Duterte na i-review ang kasong drug trafficking ni self confessed drug lord at Peter Co.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Aguirre na personal na niyang sinabihan ang pangulo na huwag nang i-review ang kaso.
Hindi na aniya kailangan na pakialaman pa ng pangulo ang kaso at dapat nang ipaubaya sa kanya.
Pagtitiyak pa ni Aguirre, tiyak na papanagutin niya kung sino man ang mga nagkamali o nagpabaya sa kanilang tungkulin kung nadismiss ang kaso.
Nanindigan pa si Aguirre na wala siyang kasalanan sa pagkaka-dismiss sa kaso dahil hiwalay at independent ang National Prosecution Service.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.