Lider ng TODA pinagbabaril sa Malabon

By Justinne Punsalang March 18, 2018 - 04:35 AM

Patay sa pamamaril ang lider ng grupo ng mga jeepney driver sa Barangay Tinajeros sa lungsod ng Malabon.

Kinilala ang biktima na si Jerry Adolfo na siyang pangulo ng Sangandaan-Panghulo-Polo TODA.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, minamaneho ni Adolfo ang kanyang jeep nang barilin ito mismo sa loob.

Tatlong lalaki ang nagpanggap bilang mga pasahero ng biktima at umupo sa likod lamang ng driver.

Nang maka-tiyempo ay bumunot ang salarin ng baril at malapitan itong binaril sa ulo.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek at mga kasamahan nito.

Ayon sa dalawang mga driver ng jeep, si Adolfo na ang ikalimang lider ng TODA na pinatay sa Malabon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.