Suspek ng online sabong arestado sa Ilocos Norte
Limang lalaki ang arestado matapos mahuling nag-ooperate ng online sabong sa Barangay Bungcag, sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte.
Ayon kay Dingras Police Station chief, Superintendent Relly Arnedo, nanggaling ang impormasyon tungkol sa operasyon ng limang mga suspek matapos itong ireport ng isang concerned citizen.
Aniya pa, modus ng mga suspek ang pagsasagawa ng sabong habang ito ay naka-livestream, kung saan maging mga dayuhan sa Las Vegas ay nakikiisa sa taya.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang camera, dalawang tripod, isang monitor, apat na mga modem, at iba pang mga computers wires.
Depensa ng isa sa mga suspek, hindi nila alam na iligal pala ang kanilang ginagawa. Aniya, sinabi ng isa sa mga empleyado ng sabungan na isang online promotion lamang ang kanilang ginagawa para sa mga dayuhan.
Dahil dito ay mahaharap ang mga arestadong suspek sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Gambling Law in relation to Cybercrime Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.