Suspendidong councilor arestado sa Batangas
Arestado sa pamamagitan ng search warrant ang isang councilor ng bayan ng Talisay sa Batangas dahil sa illegal possession of firearms.
Kinilala ang councilor na si Florencio Pesigan.
Ayon kay Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) 4A deputy director, Police Superintendent Ricky Neron, marami silang natatanggap na ulat mula mismo sa mga constituents ni Pesigan na lagi itong may dalang matataas na kalibre ng baril. Ngunit aniya, nang berepikahin ang record nito sa Firearms and Explosives Unit (FEU) ay lumabas na wala naman itong lisensya sa anumang uri ng baril.
Narekober mula sabahay ni Pesigan ang isang hindi lisensyadong 12-gauge shotgun.
Aminado si Pesigan na hindi sa kanya ang baril. Aniya, pag-aari ito ng kanyang namatay na kapatid.
Samantala, November 2017 pa nang masuspinde sa serbisyo si Pesigan matapos nitong mapatunayang may pananagutan dahil sa kasong Oppression and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.