Bangkay ng mga namatay sa nag-crash na eroplano sa Bulacan narekober na

By Alvin Barcelona March 17, 2018 - 06:49 PM

Reuters

Nakuha na ang lahat sa sampung mga na biktima ng bumagsak na Piper PA-23 Apache aircraft sa Purok Tres, Barangay Lumang bayan Plaridel, Bulacan pasado alas-onse ng umaga kanina.

Kabilang sa na-retrieve ang limang pasahero ng eroplano at limang miyembro ng pamilya Santos at Dela Rosa ang mga residente ng bahay na pinagbagsakan nito.

Narekober rin ang mga labi ni Lola Luisa Santos, mga apo nito na sina Trish, Timothy, John Noel at nanay mga bata na si Riza Santos Dela Rosa.

Nilinaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bagaman anim na pasahero ang nakalagay sa flight ng eroplano, lima lamang ang aktuwal na sakay nito dahil hindi nakasakay ang co-pilot.

Hindi pa inilalabas ng CAAP ang pangalan ng mga pasahero ng eroplano maliban sa piloto na si Capt. Ruel Meloria dahil kinukumpirma pa nila ito.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bumagsak ang eroplano ilang sandali matapos na mag-take-off sa Plaridel Airport bago sumabit sa kable ng kuryente at nadale ang bahay ng mga biktima.

Samantala, dumating na sa lugar si Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado at kinausap na si  Plaridel Mayor Jocell Aimee R. Vistan-Casaje para pag usapan ang tulong na ibibigay sa mga biktima ng aksidente.

Tiniyak ng mga opisyal ng Bulacan na kanilang sasagutin ang burol at pagpapalibing sa mga namatay sa bahay na kinabagsakan ng nag-crash na eroplano.

TAGS: apache, piper AP 23, plane crash, plaridel bulacan, apache, piper AP 23, plane crash, plaridel bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.