Mina ng langis at natural gas nadiskubre sa Cebu

By Den Macaranas March 17, 2018 - 04:36 PM

Contributed photo

Inihayag ng Department of Energy na malapit nang simulan ang produksyon ng on-shore gas and oil mining site sa bayan ng Alegria sa lalawigan ng Cebu.

Naging matagumpay ang isinagawang oil exploration sa lugar na kinakitaan ng sapat na dami ng minineral oil at natural gas na pwedeng ihalintulad sa commercial quantities.

Sinabi naman ni Alegria Mayor Verna Magallon na malaki ang maitutulong ng nadiskubreng mina ng langis sa kanilan lugar para maitaas ang antas ng pamumuhay ng kanyang mga kababayan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi na matatagpuan ang Alegria Oil Field sa Barangay Montpeller at ito ay nadiskubre sa tulong ng Joint Declaration of Commerciality (JDC) sa pagitan ng DOE at ng China International Mining Petroleum Company Limited (CIMP Co. Ltd).

Tinatayang aabot sa 9.42 billion cubic feet (bcf) ng natural gas ang natagpuan sa lugar at nasa 6.6 billion bcf ang kayang irekober mula sa mining field sa susunod na mga taon.

Nakipag-ugnayan na rin ang DOE sa Natinal Grid Corporation of the Philippines para sa pagdaragdag ng supply ng kuryente sa itatayong mining field.

Samantala, tiniyak naman ng pamahalaan na dadaan sa legal proseso ang pagpasok ng CIMP sa nasabing proyekto.

TAGS: alegria cebu, cimp, cusi, DOE, mining field, natural gas, alegria cebu, cimp, cusi, DOE, mining field, natural gas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.