Bakasyon ng mga estudyante sa Albay pinaiksi dahil sa Bulkang Mayon

By Rohanisa Abbas March 17, 2018 - 03:25 PM

Inquirer file photo

Hindi pa makakapagbakasyon ang mga mag-aaral sa Albay.

Palalawigin kasi ang klase ng mga mag-aaral para sa School Year 2017-2018 dahil sa epekto ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Department of Education Secretary Jesus Mateo, posibleng isang linggo maantala ang pagsasara ng mga klase sa mga paaralang naapektuhan ng pagputok ng bulkan.

Ilang linggo kasi sinuspinde ang mga klase dahil sa insidente.

Dagdag ni pa Mateo, lilinisin pa ang ilang paaralan na ginamit bilang evacuation centers.

Sa kasalukuyan ay malinis na sa mga evacuees ang lahat ng mga paaralan sa lalawigan na naging pansamantalang tirahan ng mga naapektuhan ng Mayon volcano.

TAGS: Albay, deped, mateo, summer vacation, Albay, deped, mateo, summer vacation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.