Pilipinas pinayuhang pag-isipan ang desisyon na kumalas sa ICC

By Den Macaranas March 17, 2018 - 09:46 AM

AP

Inamin ng pinuno ng Assembly of State Parties na nakababahala ang ginawang pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Sa kanyang pahayag, sinabi ni President O-Gon Kwong ng South Korea na may negetibong impact sa bansa ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC base sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Malinaw umano ito na pinapahina ng mga kumakalas na state party ang kanya ng ICC laban sa impunity at pagsikil sa human rights.

Pinayuhan rin niya ang Pilipinas na pag-isipang mabuti ang kanilang desisyon na kumalas sa Rome Statute na siyang lumikha ng ICC.

Mula nang sumali ang Pilipinas sa nasabing samahan noong 2011 ay naging aktibo na ito ayon pa kay Kwon.

Bukas rin umano ang kanilang grupo sa isang dayalogo sa bansa para mapag-usapan ang ilang mga isyung nakapaloob sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

TAGS: duterte, ICC, o-gon kwon, rome statute, state parties, duterte, ICC, o-gon kwon, rome statute, state parties

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.