Duterte, magkakaroon ng patas na desisyon tungkol sa kahihinatnan ng Boracay – Palasyo

By Rhommel Balasbas March 17, 2018 - 06:50 AM

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na magkakaroon ng patas na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa magiging kahihinatnan ng isla ng Boracay.

Ito ay matapos irekomenda ng joint task force na binuo sa pamumuno ni Environment Secretary Roy Cimatu na isara ang isla sa loob ng isang taon para mabigyan ang gobyerno ng sapat na panahon sa rehabilitasyon ng tourist destination.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tatanggapin ng pangulo ang rekomendasyon ngunit siya ang nakatakdang magdesisyon dito.

Sinabi ni Roque na ikokonsidera ng pangulo ang kapakanan ng mga maliliit na negosyo at kanilang manggagawa na maaaring maapektuhan ng nakaambang temporary closure ng isla.

Tiwala anya si Roque na magiging patas ang pangulo at hindi magdedesisyon ng nakabatay sa ‘political considerations’.

Magdedesisyon anya ito sa kung ano ang dapat gawin upang mapanatili ang ganda ng Boracay para sa mga susunod na henerasyon.

Matatandaang nagsabi rin si Duterte na magdedeklara ng State of Calamity sa Boracay matapos ilarawang ‘cesspool’ ang isla dahil sa problema nito sa sewearage system.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.