Singaporean National na illegal recruiter, arestado ng CIDG

By Mark Makalalad March 16, 2018 - 06:33 PM

Kalaboso ng mga tauhan ng Crime Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) ang isang Singaporean National sa kasong illegal recruitment.

Nakilala ang suspek na si Arvind Arasu, 27 taong gulang at nakatira sa Joyful Subd. brgy San Jose, Antipolo City.

Ayon kay Supt. Roque Merdegia, hepe ng Anti-Transnational Crime Unit ng CIDG, naaresto ang suspek sa isinagawang entrapment operation sa tinutuluyan nitong bahay sa Antipolo City.

Modus operandi ng suspek na pangakuan ng trabaho sa mga Hotel at Restaurant sa Singapore ang kaniyang mga nabiktima na may buwanang sahod na P55,000 at nasa P25,000 hanggang P125, 000 ang hinihingi nito para sa processing fee.

Kapag nakapagbayad na, wala na umanong dapat pang problemahin dahil hindi na dadaan pa sa POEA ang mga aplikante.

Nabatid na matagal na palang ginagawa ng suspek ang panloloko at nasa mahigit 80 na ang kanyang nabiktima.

Samantala, nagpaalala naman ang CIDG sa mga nais na magtrabaho sa ibang bansa na ang direct hiring scheme ay hindi pinahihintulutan ng POEA kaya’t huwag magpaloko sa mga pangako upang hindi mabiktima.

Kasong paglabag sa Large Scale Illegal Recruitment at Large Scale Estafa ang kakaharapin ng suspek sa Antipolo Prosecutor’s Office.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: foreigner, Illegal recruiiter, PNP, foreigner, Illegal recruiiter, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.