Arraignment kay Sen. De Lima sa kinakaharap na drug cases ipinagpaliban ng korte
Ipinagpaliban ng korte ang arraignment kay Senator Leila De Lima para sa dalawang kasong kinakaharap nito na may kinalaman sa ilegal na droga.
Sa halip na ngayong araw, nagpasya ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 na iurong sa May 18, 2018 ang pagbasa ng sakdal sa senador.
Ito ay dahil hindi pa nareresolba ang mga mosyon na inihain sa korte ng kampo ni De Lima.
Kabilang dito ang omnibus motion na humihiling sa hukuman na ikunsidera ang February 21 decision nito na pumapayag na amyendahan ng prosekusyon ang nakasampang kaso.
Ang isa pang mosyon ay humihiling sa korte na atasan ang prosekusyon na mag-produce ng ebidensya laban sa senadora.
At ang ikatlong mosyon ang huwag ipagpatuloy ang arraignment kay De Lima.
Personal na nagtungo sa korte si De Lima para humarap sa pagdinig.
Sinalubong naman siya ng mga tagapuporta na maagang nagtipon-tipon sa labas ng Muntinlupa RTC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.