DSWD maglulunsad ng caravan para sa kababaihan

By Jan Escosio March 16, 2018 - 09:27 AM

Nakatakdang ilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang advocacy and information campaign para sa mga kababaihan.

Sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City isasagawa ang tinawag na Information and Serbisyo Caravan.

Layon nito na maiangat ang kamalayan ng mga kababaihan sa mga mahihirap na komunidad ukol sa kanilang mga karapatan.

Ipapaalam din sa mga kababaihan kung saan sila maaring magsumbong o dumulog kung sila ay biktima ng harassement o kahit anong uri ng pang aabuso.

Ngayon ay ginugunita ang National Women’s Month na may temang, “We Make Change Work for Women” at sa DSWD ay alinsunod ito programa ng gobyerno na “Malasakit at Pagbabago.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dswd, Radyo Inquirer, Serbisyo Caravan, women's month, dswd, Radyo Inquirer, Serbisyo Caravan, women's month

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.