20 loose firearms isinuko sa militar sa Maguindanao
Karagdagang 20 loose firearms ang nai-turn-over ng lokal na pamahalaan sa Sultan Barongis, Maguindanao sa 40th IB at 1st Mechanized IB.
Ayon kay Lt. Col. Gerry Besana, 6th CMO Regiment Commander & JTF Central Spokesman, nasa 20 iba’t ibang klaseng armas ang nai-turnover kahapon sa municipal gym ng nabanggit na lugar.
Pinangunahan ni Mayor Ramdatu Angas ang ceremonial turnover sa mga armas sa presensya naman Brigadier General Bismarck D. Soliba, Commander 1st Mechanize Infantry Brigade, Brigadier General Diosdado C. Carreon, Commander 601st Infantry Brigade at Police Senior Superintendent Agustin Tello, Police Director Maguindanao.
Ilan sa mga nai-turnover ay dalawang M14 rifles, apat na garand rifles, 1 carbine, 2 barrets, 2 M79, 4 RPG, 1 springfield, 1 homemade grenade launcher, 1 M203 grenade launcher at 2 submachine guns.
Mula Enero 1 ngayong taon, umaabot na sa 179 ang narerekober ng 6th ID na mga loose firearms.
Pinuri naman ni Brig. Gen. Carreon at Brig. Gen. Soliba ang pakikipagtulungan ng mga residente ng Sultan Barongis sa mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.