Dating general manager ng MRT nag-alok na maging whistleblower sa palpak na operasyon ng tren

By Jong Manlapaz March 15, 2018 - 12:12 PM

Matapos na magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na sasampahan ng kaso ang mga opisyal na nasa likod ng palpak na operasyon ng MRT, tiniyak ni dating MRT GM Atty. Al Vitangcol na nakahanda siyang tumestigo sa kasong isasampang plunder ng gobyerno.

Pero apela naman ni Vitangcol na bigyan siya ng immunity kung sakaling gawin siyang whistleblower ng pamahalaan.

Pero sa ngayon wala pa umanong kumakausap sa kanya mula sa pamahalaan para gawin siyang testigo, itinaggi din nito na siya ang tinutukoy ni Sec. Harry roque na isa sa dalawang wistleblower ng pamahalaan sa panibagong isasampang plunder case laban sa mga opisyal na nasa likod ng palpak na MRT.

Tahasan naman inginuso ni Vitangcol si Atty. Joseph Emilio Abaya dating kalihim ng nooy DOTC na nag-apruba ng P100 million na insurance mula sa GSIS na kahit kailan umano hindi nakapag-claim ang MRT para sana sa pagpapagawa sa mga sira nito. / Jong Manlapaz

 

TAGS: Al Vitangcol, MRT, Radyo Inquirer, Al Vitangcol, MRT, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.