Ex-PNoy naghain ng counter affidavit sa kinakaharap na kaso sa Comelec kaugnay sa Dengvaxia

By Mark Makalalad March 15, 2018 - 11:37 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Walang saysay at walang kabuluhan.

Ganito mailalawaran ni Dating Pangulong Noynoy Aquino ang reklamo na inihain laban sa kaniya sa Commission on Elections kaugnay sa umano’y paggamit ng budget para sa dengvaxia vaccine noong kasagsagan ng eleksyon noong May 2016.

Sa kanyang pagharap sa COMELEC, iginiit ng dating pangulo na hindi klaro ang mga reklamo na ipinupukol sa kaniya at kumpyansa syang malulusutan ito.

Batay kasi sa reklamo ay gumastos daw sya ng pera para paburan ang isang kandidato na malinaw na paglabag sa election ban. Tinawag ito ni Aquino na “electioneering”

Anya, ang election ban ay nagsimula noong March 25, 2016 habang ang issuance naman ng purchase ng Dengavaxia ay noong March 9, 2016.

Sa madaling salita, harrasment lang umano ang pakay ng mga nagsampa ng kaso at nagpapansin lang para ma-appoint sa pwesto.

Kabilang din sa humarap sa COMELEC ay si dating Health Secretary Janette Garin.

Magugunitang humarap na rin si Aquino sa pagdinig ng senado at kamara kaugnay ng kontrobersiyal na Dengvaxia para linisin ang pangalan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: benigno aquino iii, Comelec Hearing, Dengvaxia, election ban, Janette Garin, Radyo Inquirer, benigno aquino iii, Comelec Hearing, Dengvaxia, election ban, Janette Garin, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.