Timbog ang isang myembro ng grupong nagpapanggap na ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sangkot sa pangingikil.
Kinilala ni National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Ferdinand Lavin ang naaresto na si Jai Sunshine Chua.
Inaresto si Chua sa isang operasyon sa Cainta, Rizal noong March 9.
Kasama umano ang suspek sa grupo ng 10 katao na dumukot umano sa isang lalaki sa Ususan, Taguig City noong February 4. Nagpanggap umano silang mga ahente ng PDEA na nakauniporme at may dalang mga armas.
Ayon kay Atty. Ross Jonathan Galicia, hepe ng NBI Task Force Against Illegal Drugs, hiningan ng mga suspek ng P50,000 ang asawa ng biktima.
Sinabi ni Galicia na kapag walang naiabot sa kanila ang hiling ay tataniman ang biktima ng iligal na droga.
Lumabas sa imbestigasyon na walang koneksyon sa PDEA ang mga suspek.
Patuloy namang tinutugis ng NBI ang iba pang myembro ng grupo na nago-operate sa Taguig City at Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.