Pagbuwag sa PCGG at OGCC isinalang na sa plenaryo ng kamara

By Erwin Aguilon March 14, 2018 - 11:49 AM

Isinulong na ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali sa plenaryo ng kamara ang panukalang palakasin ang kapangyarihan ng Office of the Solicitor General (OSG).

Sa kaniyang sponsorship speech, sinabi ni Umali na mas magiging epektibo ang OSG kung masusunod ang itinatakda ng panukala na bubuwag sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

Kapag naisabatas ang panukala ililipat na sa OSG ang kasalukuyang trabaho ng PCGG AT OGCC.

Dahil dito, dadagdagan ang kasalukuyang 30 division ng OSG at gagawi itong 50 na may tig-sampung mga abogado.

Nakasaad din sa panukala na ipasasailalim na sa Office of the President ang OSG para sa funding requirement ng tanggapan.

Samantala ang mga maapektuhang empleyado ng bubuwaging PCGG at T OGCC ay maaring ma-absorb sa OSG habang ang hindi makukuha isasailalim sa separation program.

 

 

 

 

 

 

TAGS: House of Representatives, OGCC, OSG, PCGG, Radyo Inquirer, House of Representatives, OGCC, OSG, PCGG, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.